Saturday, May 1, 2010

Nakakapagod.

Ayoko na. Nakakapagod mag-explain sa mga taong 'di naman ako naiintindihan. Harsh?
Sorry. That's life. Riiiiight?
Bakit ba kasi parang alam nila kung anong meron. Eh hindi naman.
Minsan gusto ko nalang kausapin ang sarili ko para wala nang makakarinig sa'kin na iba.
At least that way, walang comments.

AT IKAW. Ikaw tao ka. Bakit ba kasi ang insensitive mo.
Ayan tuloy, kailangan pa kita ipagtanggol sa kanila. Kailangan ko pang ipagtanggol kung ano man ang meron tayo. Kahit na siguro, sa isang banda, sila naman ang tama at tayo ang mali.

Ayaw mo ng drama? Fine. Edi 'wag. Paulit-ulit ka lang magkulang sa'kin, at i-expect mong magiging manhid ako para naman maiwasan kong magdrama. Aba, ayos ka rin ano.

Parang utang na loob ko pa yata na hindi mo pa ako iniiwan. Aba, shit, iwanan mo na ko.

Hindi ko na alam, DUDE. Ano bang gusto mo? Wala nalang pakielamanan? Para walang nasasaktan. Para hindi ako nasasaktan.
Alam mo, mahal kita eh. Kahit bwisit ka sa buhay ko. Kaya lang, minsan talaga ang hirap na.
Kasi parang wala ka nang pakielam sa'kin.

Iba ka nga. IBANG IBA KA SA KANILA.

"Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako dahil mahal mo ako?"
- Dahil may malaking pagkakaiba yun.

No comments:

Post a Comment